Pichay nagpiyansa

     pichay
Nagpiyansa si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay kaugnay ng mga kaso na isinampa sa kanya ng Office of the Ombudsman.
     Naglagak si Pichay ng P250,000 sa Sandiganbayan para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (P90,000), tatlong kaso ng Malversation (P120,000) at isang kaso ng paglabag sa General Banking law (P40,000).
     Ang kaso ay kaugnay ng pagbili ng Local Water Utilities Administration, na noon ay pinamumunuan ni Pichay, sa Express Savings Bank Inc., na pagmamay-ari ng pamilya ni Sen. Sherwin Gatchalian.
     Ayon sa Ombudsman maanomalya ang pagbili ng LWUA sa bangko na noon ay nalulugi na.
      Hindi rin umano pabor ang Office of the President, Department of Finance, Monetary Board at Bangko Sentral ng Pilipinas sa plano ng LWUA subalit itinuloy pa rin niya ito.

Read more...