Nanay huli matapos kunan ng hubo’t hubad ang 2 anak na paslit sa Cebu City

cebu city

ARESTADO ang nanay matapos umanong kunan ng litrato at video ang dalawang anak na babae habang nakahubo’t hubad kapalit ng pera.
Ito’y matapos i-video ni Melissa (hindi totoong pangalan) ang kanyang 2-anyos at 5-anyos na mga anak na babae habang naliligo malapit sa isang balon sa Barangay Buagsong, Cordova, Mactan Island noong Sabado kung saan siya nadatnan ng mga operatiba ng pulis.
Nakakulong si Melissa sa Fuente Police Station sa Cebu City habang hinihintay ang paghahain ng kasong trafficking laban sa kanya.
“Inosente gyud tawn ko. (I’m innocent),” sabi ni Melissa.
Sinabi ni Chief Insp. Rose Santolorin ng Women and Children Protection for Visayas na nakipagtransaksyon si Melissa sa 70 banyagang kliyente
Ayon sa ulat, gumagamit si Melissa, 22, ng cell phone sa paglilitrato at pagvi-video ng kanyang mga anak na nakahubad.

Isang poseur customer ang nakipagtransaksyon sa suspek kung saan pumayag itong kunan ang mga anak kapalit ng $70 (P3290).

Read more...