Biktima ng road rage na si Mark Vincent Garalde inilibing na

CCTV-camera-0727-620x349 (1)

INILIBING na kaninang umaga ang nagbibiksikletang
pinagbabaril ng isang reservist matapos makasuntukan sa Quiapo.

Sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi nito na inihatid sa kanyang huling hantungan si Mark Vincent Garalde sa Marikina City.

Namatay si Garalde, 36, matapos pagbabarilin ni Vhon Tanto noong Hulyo 25.

Nagpasalamat naman ang tiyahin ni Garalde sa suporta para sa napatay na pamangkin.

Dumalo rin sa libing si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta.

Read more...