Piolo napikon sa ilang fans nina Liza at Enrique: Grabe below the belt na talaga!

piolo pasual at lizquen

DUMEPENSA si Claudine Barretto sa mag-amang Piolo at Iñigo Pascual nang putaktihin ng malilisyosong komento ang picture nilang magkayakap na lumabas sa Instagram. Bukod sa tweet ni Clau, nagkausap pa sila ng dating leading lady.

“Nagalit nga ako kay Moi (personal assistant niya) nang piktyuran niya ‘yon at pinost. Napikon ako. Sabi ko siyempre nagri-react ‘yung mga tao. Kayo kaya mag-explain? Hindi ko kailangang mag-explain dahil ako, walang papatulan sa ganyan. “That’s why, you feel bad for these people. Ganyan kadumi ang isip ng tao? Nakakalungkot eh,” paliwanag ni Piolo matapos ang storycon ng Regal movie nila ni Yen Santos na “Once In A Lifetime”.

Subalit mas ikinapikon ng aktor ang LizQuen fans na inaaway siya, “Kasi meron akong sinabi about Liza. Sabi ko, it was taken out of context. Some, kasi tina-tag ako sa Instagram. Pero doon sa post namin ni Iñigo, ni-repost niya, pina-repost ko rin. Nakakatuwa.

“Mari-realize mo na aside from these people, you know, endlessly bashing, may mga tao ring magaganda ang puso. Ni-repost ko ‘yon. Hindi mo kailangang mag-dwell. Kasi ‘yun ang mga taong walang magawa. “All the more na kailangang mong magdasal for patience kasi may mga ibang bagay na makapagpasaya sa atin kesa sa ganoon,” rason ng aktor.

Ano ba ‘yung sinabi niya sa Liz-Quen loveteam? “Sinabi ko, gusto ko si Liza pag 20 na, or 21. Puwede. Siyempre gusto ko ring makasama ‘yung dalaga. I don’t wanna talk about it. I don’t wanna drag them in my interviews. Baka sabihin nila, eh ginagamit ko. May sarili naman sila eh. Pero ‘yung fans, parang below the belt!

“Sabi ko, I had to talk to their handler yesterday. Sabi ko, “Can you please tell them na baka iniisip nila eh, ginagamit ko sila. Parang itong mga tao, ita-tag ka sa Instagram and by chance, mababasa mo. ‘Kilala ninyo ba ako para sabihan ako ng ganito?’” diin niya. Anyway, nang ipinagtanggol si Piolo ni Claudine, nag-text siya ng pasasalamat.

“Sabi ko, ‘Hindi ka pa rin nagbago.’ Bata pa lang kami, ganoon siya, eh. Pag may nang-aaway sa akin, siya pa rin ang nangunguna nagpu-protect. Kaya nakakatuwa si Clau. Sabi niya ‘Ngayon pa nandiyan na rin si Iñigo. I’ll be the first to look out for you.’ Nakakataba ng puso.

Read more...