Osang pakakasalan ang dyowang tomboy sa Antipolo at sa Canada

rosanna roces at girlfriend

TULOY na tuloy na ang pagpapakasal ni Rosanna Roces sa dyowa niyang tomboy na si Blessy Arias sa Canada ngayong buwan. Doon daw kasi legal ang same sex marriage.

Bukod dito, magpapakasal din daw sila sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo sa Dec. 10 ngayong taon din. Meron na raw wedding gown na isusuot si Osang.

Sa panayam ng Rated K sa dating sexy star, sinabi niyang sinadya niyang magpabuntis sa isang kabarkada para mabigyan ng anak si Blessy. Ang gusto kasi ni Osang ay sila ang tatayong magulang ng bata.

Ayon kay Blessy, siya raw ang nang-iwan kay Osang nang ipinagbubuntis pa nito ang panganay na si Grace, “I was thinking kasi na baka gusto na niya ng different kind of relationship, kumbaga yung norm na family, may nanay at may tatay na magigisnan si baby.”

At pagkalipas nga ng 27 taon, muling nagkrus ang landas nila and the rest is history na raw. Nagkaroon nga ng part 2 ang kanilang love story at ngayo’y nakatakda na nga silang magpakasal.

Sey ni Blessy, “Kapag magkasama kami, yung simplicity ng life, yun ang tumatak sa akin. Hindi yung showbiz side of her.”

Hirit naman ni Rosanna, “Buti na lang ni-ready ko yung sarili ko na single ako. Para pagdating ng forever ko, single ako. Tumatak sa isip ko yun. Dapat talaga marunong kang maghintay.”

Read more...