Makaka-jackpot na sa lotto

Sulat mula kay Erick  ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong tumataya sa mga number games pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makasapol ng jackpot. Ito ang dahilan kaya na isipan kong sumangguni sa inyo. Pinapalayas na kasi kami sa tinitirahan naming bahay dahil hind kami makabayad sa upa. Kaya ang balak ko sana kung makakatama ng malaking halaga ay bibili na kami ng sariling bahay at lupa. Sa palagay nyo may pag-asa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inalagaan ko sa kasalukuyan? At sa ngayon pala ay nag-aaplay sa abroad ang misis ko bilang D.H. May pag-asa kaya siyang maka-alis? December 13, 1983 ang birthday ko at August 28, 1988 naman ang misis ko.
Umaasa,
Erick Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Biglang Suwerte (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t magtiyag-tiyaga ka lang sa katataya, tiyak ang magaganap – darating din ang saktong panahong mananalo ka ng jackpot.
Cartomancy:
Four of Diamonds, Ten of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mag-hanap ka ng lotto outlet na mahaba ang pila sa buwang ito ng Agosto hanggang Setyrembre sa taon ding kasalukuyan, may malaking panalong maibubulsa.
Itutuloy…

Read more...