Totoo ba, Maja inagawan ng tv commercial ni Myrtle?

myrtle sarrosa at maja salvador

SA ginanap na launching ng Megasoft Hygenic Products para sa bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners ay iisa ang tanong ng lahat, bakit pinalitan na si Maja Salvador?

Ayon kay Miss Aileen Go, Vice President for Marketing ng Megasoft, akmang-akma ang Cosplay Queen si Myrtle Sarrosa sa bago nilang kampanya para sa mga estudyante.

Magtatapos si Myrtle sa kursong Broadcast Communication bilang cum laude sa UP Diliman ngayong taon. Paliwanag ni Ms. Aileen, “This year kasi, our objective is to encourage our students na ayusin nila ang education nila, siyempre para rin sa kanila ‘yun.

“Siyempre ‘tong little sister (Myrtle) ko sobrang napakatalino, napakabait at talen-ted nasa kanya na lahat. For example ako ‘yung little sister niya, I would really like someone who is a celebrity whom I really looked up to.

“Sobrang natutuwa ako sa kanya (Myrtle) kasi she was able to balance her studies and work being a celebrity at hindi lang siya basta nag-aral, talagang running for cum laude pa.

“Tapos may album pa siya ngayon, sobrang hanga ako kasi lahat ng songs niya, siya ‘yung nagsulat, talagang sabi ko I really like someone like her as a sister na siya talaga ‘yung titingnan ng lahat ng kabataan nga-yon,” sabi pa ni Ms. Aileen.

Ang kampanya ng Megasoft para sa 2016 na may titulong Sister’s School Is Cool ay para talaga sa mga estudyante, “Gusto po kasi namin ang mga kabataan nga-yon na i-pursue nila ang pag-aaral nila kahit na sobrang may pinagdadaanan sa lovelife, financial at iba pa. Kaya tingin namin kay Myrtle ay big sister siya to all the students,” paliwanag ni Ms. Aileen.

Hindi na raw nila ni-renew si Maja dahil hindi na pasok ang aktres sa kampanya, “Yung objective rin namin last year ay for the young professio-nals kaya si Maja ‘yun. Sobrang thankful kami kay Maja dahil ‘yung sales namin ay talagang naabot na-achieve natin ‘yung gusto nating mangyari.

“Kaya lang for this year kasi, we really opted to maximize the students naman, so naisip namin na dapat estudyante rin ang celebrity endorser,” aniya pa.

Say naman ni Myrtle para sa bagong ad campaign ng Sisters ay talagang nagpupunta sila sa mga eskuwelahan sa iba’t ibang probinsya.

“Gusto po talaga namin ng something meaningful at gusto naming ma-recognize ang mga student na nag-e-excel sa schools nila na kahit ang layo ng nilalakad nila from their house to school para lang makapag-aral.

“So, we really want to recognize their efforts pati rin ang mga teachers na nagsisikap talaga para maging bayani sa mga student natin,” sabi ni Myrtle. Naibahagi rin ng dalaga kung paano niya napagsabay ang pagiging artista at estudyante.

“’Yung experience ko talaga sa school and doing the same time ang showbiz, gusto ko talaga at the end of the day na mayroon ako talagang masasabi sa sarili ko na aside from doing showbiz, the things that I love, kaya ko ring i-manage ‘yung things sa school na alam ko namang in the near future ay magiging beneficial para sa akin at sa ibang tao.

“Iniisip kasi ng ibang tao na hindi natin kayang i-manage ang school, pati na rin ‘yung work. Gusto kong sabihin sa lahat na you could always manage at the same time if you really love what you are doing,” dugtong ng dalaga.

Samantala, dumayo ng Mindanao si Myrtle kasama ang Sister’s team para sa unang Sisters’ Choice Awards sa Norala High School sa South Cotobato at Gingoog City Comprehensive School sa Misamis Oriental. Ang mga nasabing paaralan ay nabigyan ng assistance bilang parte ng kampanya.

Bukod kay Myrtle kasama rin ang Hotlegs Dancers bilang endorsers ng Sister’s na kinabibilangan nina Nesh, Labb, Cath at Alex na ka-join din sa “I Love My Sisters Mall Concerts”. Nasa SM Dasma sila sa Aug. 6, SM Baguio, Aug. 20 at SM Rosales Pangasinan, Aug. 21. Magiging parte rin sila sa Kadayawan Festival sa Gaisano Grand Mall sa Davao sa Aug. 19.

Read more...