NAGSIMULA na noong Hulyo 25 (Lunes) ang blockbuster Koreanovela na ‘Descendants of the Sun’, na mapapanood sa GMA-7 gabi-gabi at makalipas pa lamang ng isang linggo, parami nang parami ang sumusubaybay dito dahil sa napakagandang tema nito na swak na swak sa mga Pinoy.
Kwento ito ng pag-ibig nina Dr. Maxine Kang at Captain Lucas Yoo, na pinagbibidahan ng mga sikat na Korean celebrities na sina Song Hye Kyo at Song Joong Ki.
Kapwa dati nang lumabas sa GMA-7 sina Hye Kyo at Joong Ki kung saan pareho ring minahal ng mga Pinoy ang kanilang mga Koreanovelang ipinalabas noon.
Si Hye Kyo ang bida sa Full House na naging kapareha noon ni Rain, samantalang bida naman si Joong Ki sa Innocent Man.
Kwento ang Descendants of the Sun ng isang doktor at isang miyembro ng Korean special force na pinagtagpo ng tadhana.
Dahil magkaiba ang kanilang mundo, binasted ni Dr. Kang si Capt. Yoo ngunit bago nagtapos ang unang linggo ng Koreanovela, muli silang pinagtagpo sa ibang bansa kung saan nagsisilbi si Capt. Yoo bilang UN Peacekeeping Force, samantalang ipinadala naman si Dr. Kang bilang bahagi ng mga volunteer na doktor na ipinadala ng kanilang ospital na pinagtatrabahuan.
Napakagaan ng Koreanovela at mabilis pa ang pacing kahat talagang susundan mo ang bawat eksena.
Tiyak kong lalu pang aabangan ng mga manonood ang Koreanovela dahil sa ganda ng kwento nito at galing ng mga artista.
Katapat nito ang Dolce Amore ng Channel 2 at talagang kakabugin nito ang huli sa ratings game.
Kung gusto nyong malaman kung tama ang sinasabi ko, tutok na sa Descendants of the Sun.
Koreanovela Review: ‘Descendants of the Sun’, swak na swak sa mga Pinoy
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...