Karylle, Yael 2 taon nang kasal pero ayaw paring magka-baby

karylle and yael

CHILL lang daw muna ang mag-asawang Yael at Karylle Yuzon tungkol sa pagkakaroon ng baby.

Bagaman sure kami na marami na ang naghihintay sa pagdating ng kanilang panganay. “Ang dami pa naming gagawin kasi, e, so many other things,” sabi ni Yael noong makausap namin sa presscon ng bago nilang double album titled “Sinag” at “Tala” under Universal Records.

Two years nang kasal ang leader ng bandang Sponge Cola sa anak ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla.  Pero may mga goals and plans pa raw sila ni Karylle kaya medyo delayed ang paggawa nila ng bata.

“Tapos parang hindi namin alam kung paano ita-traffic ‘yun kapag merong baby. Parang kapag may gig sa gabi, iiwan ko ‘yung baby sa kanya. Pwede ko rin namang isama. Pero hindi raw maganda for a baby ‘yung base drum mismo saka ‘yung base, bug-bug, ‘yung ganoon.

“Pero may isu-shoot din kasi na TV show si Karylle sa Singapore in a few weeks. Baka magtagal kami doon ulit,” lahad ni Yael. Pero kahit wala pa ang baby nila ni Karylle, may naisip na raw na pangalan ang bokalista.

“Parang naisip ko Lucas ang name niya para pwede kong sabihin parang anak ko si Luke. Parang ako si Darth Vader. Ha-haha! Star Wars fan kasi ako, e,” ayon pa kay Yael. Kapag babae naman daw, bahala na si Karylle sa name ng baby nila.

Nagulat kami kay Yael when we asked him kung wish din ba niya na ma-ging singer tulad nila ni Karylle ang kanilang magiging anak. “Sana maging basketball player siya. Hindi kasi, ang lolo ko naman is 6’1”, e. So, genetically, meron naman ako nu’ng make-up para makagawa ng batang matangkad kahit mukhang hindi.

“Tapos ‘yung boxing genes ni K? Dahil ‘di ba ‘yung lolo niya hindi lang pampamilya, pang-sports pa!?” seryosong biro ni Yael. In fairness, maganda pala ang pinagsamang lahi nila ni Karylle, “Hindi ba?” proud na sabi ni Yael. “Sakto. ‘Yung height lang ang tumalon sa akin, e.”

Ipinarinig sa amin ng Universal Records at ng Sponge Cola ang tracks sa “Sinag” at “Tala” album. Sa “Sinag” kasama ang awiting “Ang Saya,” “Pagibig,” “Pasukan Na Naman,” “Butterflies” at “Bisita.” Sa “Tala” naman ay ang “Bahaghari (Acoustic),” “Coda,” “One And Only Weakness,” “Pagtungo,” “Bahaghari,” at “Sabay Tayo.” Ang “Pagibig” ang carrier single ng bagong album ng Sponge Cola. All original lahat ng songs sa double album at mabibili na sa lahat ng record bars nationwide.

Read more...