IKINASAL na ang young actor na si Joseph Bitangcol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Franchesca Tonson. Ginanap ang kasalan sa Sweet Harmony Gardens, Taytay, Rizal nitong nagdaang Sabado na dinaluhan ng pamilya ng bagong kasal at malalapit nilang mga kaibigan.
Naging magdyowa sina Joseph at Franchesca noong Dec. 13, 2014. Very open naman ang dalawa sa kanilang relasyon, sa katunayan palagi silang nagpo-post ng mga litrato nila together sa kani-kanilang social media accounts.
Hindi na gaanong aktibo si Joseph sa showbiz, napapanood siya paminsan-minsan sa mga programa sa telebisyon pero wala siyang regular na trabaho sa ngayon. Ang napangasawa naman niyang si Franchesca ay kasalukuyang nag-aaral ng Nursing sa University of The Philippines
Nagsilbi ring reunion ng Star Circle Quest ang kasal ni Joseph dahil dumalo rin sa kanyang wedding ang ilan sa mga ka-batch niya sa nasabing reality search noon ng ABS-CBN. Naroon sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo at Raphael Martinez. Magkasama pa sa table ang ex-couple na sina Joross at Roxanne kasama ang misis ng una na si Katz.
Ilang photos ang ipinost nina Joross at Roxanne sa kanilang Instagram accounts na kuha sa reception ng kasal. Isang video rin nina Joseph at Frenchesca habang kumakanta ng “Cruisin” ang ipinost ni Roxanne sa IG.
q q q
Speaking of Joross Gamboa, hindi niya itinuturing na trabaho ang pagte-taping para sa GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story. Hindi rin siya nanibago sa kanyang mga katrabaho dahil kilala na niya ang mga ito at hilig talaga niya ang comedy.
“Nag-eenjoy kami sa mga eksena. Kadalasan nga ay nag-a-adlib kami. Ginagawa na-ming parang sitcom pero hindi yung OA. Kaya yun yung humor namin. Tsaka ang maganda sa palabas na ito ay edgy siya at may halong comedy,” sey ng aktor. Ginagamapanan niya ang role ni Bob na obsessed kay Happy na role naman ni Heart Evangelista.
Maraming manonood at netizens nga ang aliw sa kanyang karakter. Very natural ang pagko-comedy niya kaya naman naging magaan at madali para kay Joross ang serye. Samantala, masayang ibinalita ni Joross na busy siya ngayon sa pagre-renovate ng kanilang bagong biling bahay. Ito na ang maituturing niyang bunga ng kanyang pagsisikap.