Jessy nagyabang na naman daw: Talo ko pa si Pia Wurtzbach, di ba?

jessy mendiola at pia wurtzbach1

HINDI big deal para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang naging statement ni Jessy Mendiola during the FHM Philippines 100 Sexiest Victory Party last Tuesday.

Naging kontrobersyal ang “speech” ni Jessy nang hawak na niya ang trophy bilang Sexiest Pinay ngayong taon. Ani Jessy, “Talo ko pa si Pia Wurtzbach, di ba?” “Kung siya confidently beautiful with a heart, ako confidently sexy with a heart. Nakakaloka!” dugtong pa ng Kapamilya actress.

Nang makarating ito kay Pia, may ilan siyang followers na nagtanong kung na-offend ba siya sa tila pagyayabang ni Jessy. Sa Twitter idinaan ni Pia ang kanyang saloobin tungkol sa isyu. Aniya, “Nothing wrong with that.”

“What I saw was a girl who was just really ecstatic to be given that recognition,” sey ng reigning Miss Universe. Binati rin ni Pia si Jessy sa pagiging Sexiest Woman ngayong taon.

Ayon naman sa ilang fans ni Pia, sana raw ay makuha ni Jessy ang pagiging humble at ang humility ng ating Miss Universe. Samantala, kung wala nang magiging problema, ang American TV host-comedian na si Steve Harvey ang muling tatayong host ng Miss Universe 2016.

Sa kabila nga ng nagawa niyang sablay sa nakaraang international pageant kung saan nagkamali siya sa pag-announce ng winner (sa halip na Miss Philippines ay Miss Colombia ang natawag niya) siya pa rin daw ang napili ng organizers na mag-host ng contest.

Sa isang panayam, sinabi ni Tourism Undersecretary Kat de Castro, pumayag na rin daw si Steve Harvey para personal na makapag-apologize sa mga Pinoy sa nagawa niyang pagkakamali sa 2015 pageant.

Read more...