Alden walang reklamo sa mga nagpapa-selfie, marunong tumanaw ng utang na loob

 

ANG bumibida sa ating blind item ay kabaligtaran naman ni Alden Richards. Palaging may nakabulsang ngiti ang Pambansang Bae sa kahit saang lupalop pa ng mundo siya magpunta.

Pinahahalagahan niya kasi ang effort ng ating mga kababayan, lalo na ang halagang ginastos nila sa pagbili ng ticket at pagpunta sa venue, napakahalaga nu’n para kay Alden.

Nu’ng mag-shooting nga siya sa Italy ay siya ang nilalapitan ng mga Pinoy, iba kasi ang bukas ng kanyang mukha, positibo siya at alam mong hindi ka bibiguin kapag humiling ka ng picture taking.

Sabi ng aming kaibigang nagsadya sa lugar ng shooting, “Malayo pa ang pinanggalingan namin, bumiyahe kami nang ilang oras. Ganu’n ang effort na pinagdaanan namin para lang makita si Alden.

“Siya lang ang gusto ng mga dalaga ko, siya lang talaga, hindi naman sila nabigo dahil pagkakita pa lang sa kanila ni Alden, e, nakangiti na agad sa kanila.

“Picture, picture, wala siyang reklamo, palagi lang siyang nakangiti. Umuwi kami na masayang-masaya ang mga anak ko,” kuwento ng aming kaibigan.

Hindi kaplastikan ang ginagawa ni Alden Richards, hindi ‘yun pagpapapogi lang para sa kanyang imahe, talagang binibigyan niya ng importansiya ang pagpapahalaga at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng ating mga kababayan.

Nagbabalik lang siya, tumatanaw ng utang na loob sa suportang ipinagkaloob sa kanya ng publiko, ganu’n.

Read more...