Rochelle bilib na bilib sa galing ni John Arcilla

rochelle pangilinan at john arcilla

NOTHING but good words si Rochelle Pangilinan sa kanyang co-star sa Encantadia na si John Arcilla.

Ginagampanan ni John ang karakter ni Hagorn, ang pangunahing kontrabida ng telefantasya at hari ng Hathoria. Si Rochelle naman si Agane, ang kanang kamay ni Hagorn. Silang dalawa lagi ang magkasama sa mga eksena kaya naman kitang kita ng Kapuso actress kung gaano kahusay umarte ang seasoned actor.

Ayon kay Rochelle, “Sobrang husay at sobrang mapagbigay ng kanyang talento. Lagi niyang shini-share. Kahit ako, sa kanya sa set natututo pa rin ako sa kanya.” Napapanood pa rin ang Encantadia sa GMA Telebabad block.

Read more...