Gladys Reyes versus Camille Prats sa Lip Sync Battle

camille prats at gladys reyes

SAKSIHAN ang ultimate na paghaharap ng isang Primera Kontrabida at ang aktres na palagi na lang inaapi, pero ganado nang maghiganti? Tumutok ngayong gabi sa Lip Sync Battle Philippines para sa face-off nina Gladys Reyes versus Camille Prats.

Bihira sa LSBP na magkapareho ng genre ang piniling kanta ng battlers sa Round 1. Ang plano kasi nina Gladys at Camille, idaan sa biritan at dramahan ang unang sabak nila sa kompetisyon. Si Gladys, isang hit song ng Pinoy Diva ang ibibida. At si Camille naman, isang iconic hit ng isa ring equally iconic Hollywood diva.

Pagdating sa Round 2, maglalaban sina Cyndi Lauper at Iggy Azalea. Sino kaya kina Camille at Gladys ang makakapag-deliver ng isang pasabog na performance? Tutukan ang tarayan, biritan, at pagpapalakasan ng palakpakan sa Lip Sync Battle Philippines ngayong Sabado pagkatapos ng Mapakailanman sa GMA.

Read more...