Makapag-aabroad ba? (2)

Sulat mula kay Benjoe ng Baroc-baroc, Belison, Antique
Problema:
1. Kamakailan lang po ay tinawagan na ako ng agency na inaaplayan ko patungong abroad. Hinihingan na po nila ako ng processing fee at iba pang gastusin para sa pag-aayos ng iba pang mga papeles. Maliit na halaga lang naman ang hinihingi nila, ang problema ay wala naman akong ganoong kalaking pera sa kasalukuyan. Ang nais ko sanang itanong sa inyo ay sakali kayang mangutang ako, tiyak kayang makakaalis ako upang sa ganoon ay hindi naman ako mabaon sa utang kung sakaling mapurnada ang aking pag-aabroad?
2. May Travel Line po ba talaga sa aking palad at may pag-asa kayang magkaroon ako ng isang masagana at maunlad na karanasan sa ibang bansa? At kung makakapag-abroad ako, kailan kaya ito mangyayari? August 19, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Benjoe ng Antique
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsabing sa huling linggong ito ng Hulyo hanggang sa buong buwan ng Agosto hanggang Setyembre ay tuloy-tuloy ang pasok ng maraming suwerte sa iyong kapalaran, kabilang din dito ang mabilisang pangingibang-bansa at mga oportunidad ng pagkakakitan.
Numerology:
Ang birth date mong 19 ay nagsasabing sa abroad ka aasenso at uunlad. Sa sandaling nakapag-abroad ka, tuloy-tuloy na ang iyong pag-asenso at pag-unlad. At tulad nang nasabi na, nakatakdang maganap ito ngayong taon, sa edad mong 28 pataas.
Luscher Color Test:
Upang magpatuloy ang suwerte at lalo pang gumanda ang kapalaran, ugaliin mong magsuot ng kulay na dilaw at berde. Sa nasabing kulay, tiyak ang magaganap—mas marami pang magaganda at hitik na biyaya ang iyong matatanggap sa mga susunod na buwan at taon.
Huling payo at paalala:
Benjoe, ang dapat mong gawin sa ngayon ay wag kang panghinaan ng loob. Anuman ang gawin mo sa kasalukuyan ay sadyang itinakda na ng tadhana na ikaw ay makapag-abroad at ang pag-aabroad na ito ay sa kasalukuyang panahon na nga magaganap sa taong ito, sa buwan ng Agosto o Setyembre, sa edad mong 28 pataas. Magdudulot ito sa iyong kabuhayan ng tuloy-tuloy na pag asenso at walang tigil na kasaganaan.

Read more...