True ba, Vice Ganda nag-walkout sa GGV dahil kina Bea at Gerald?

VICE GANDA, BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

VICE GANDA, BEA ALONZO AT GERALD ANDERSON

WALANG katotohanan ang sinasabing nag-walkout daw si Vice Ganda sa taping ng Gandang Gabi Vice noong nakaraang linggo. Guest sana sa show sina Gerald Anderson at Bea Alonzo para sa promo ng pelikula nilang “How To Be Yours” sa direksiyon ni Dan Villegas.

Tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN, “Nu’ng dumating si Vice, hindi pa handa ang lahat, so tinanong niya kung anong oras ang start, sabi may inaayos pa dahil may bagong segment.

“Ginawa ni Vice, nagpaalam siya na, ‘Alis muna ako, pahinga muna.’ Ganu’n lang, nagpaalam siyang aalis siya, hindi ‘yung basta siya umalis. Maraming nakarinig niyan at magpapatunay na hindi siya nag-walkout,” ang sabi ng aming kausap.

Inisip daw tuloy ng iba na baka sinadya ng TV host-comedian na umalis sa GGV ta-ping dahil hindi niya type sina Gerald at Bea.

Hirit sa amin ng aming source, “Hindi ‘no, gusto nga niya ‘yung dalawa.”

Kahapon, natuloy na ang taping ng Gandang Gabi Vice kasama sina Gerald at Bea, meaning, wala ngang katotohanan ang tsismis na hindi feel ni Vice ang dating magkarelas-yon.

Samantala, maganda ang feedback sa gues-ting ni Vice sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Ella na isang “sextortio-nist”. Tuwang-tuwa ang manonood nang nagkagusto si Cardo (Coco Martin) sa kanya.

Mahaba pa ang itatakbo ng episode ni Vice kasama rin sina Chokoleit at Pooh sa Ang Probinsyano kaya abangan kung paano magagapi ni Cardo ang nasabing sindikato.

Read more...