Pulis QC patay matapos makipagbarilan sa kapwa pulis; P1M halaga ng shabu nakumpiska

pnp

PATAY ang isang pulis Quezon City na umano’y sangkot sa iligal na droga matapos makipagbarilan sa kapwa mga pulis, kahapon ng umaga.
Nasawi si Senior Insp. Ramon Castillo, 46, ng anti-illegal drugs special operations task group (DAID SOTG) ng QC Police District (QCPD) matapos magtangkang tumakas sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Greater Fairview ganap na alas-3:35 ng umaga.
Ayon sa ulat, isinagawa ang buy-bust matapos iugnay si Castillo sa pagre-recycle ng droga.
Habang isinasagawa ang buy-bust, nakahalata si Castillo na nakikipagtransaksyon siya sa operative, dahilan para siya magtangkang tumakas at paputukan ang mga humahabol na pulis.
Na-corner si Castillo sa kanto ng Regalado ave. at Bulova Street.
Nakumpiska sa loob ng kotse ni Castillo ang P1 milyong halaga ng shabu.

Read more...