Makalipas ang 56 bola, wala pa ring tumatama sa jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.
Kaya naman lumagpas na ito sa P250 million mark at patuloy pang lalaki hangga’t wala pang nakakukuha ng winning number combination.
Mahirap na tamaan ang 6/55 dahil mayroon itong 28,989,675 kombinasyon. Kung tatayaan mo ang lahat ng numero ay gagastos ka ng halos P580 milyon dahil P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Sa bola noong Lunes ng gabi, walang tumaya sa winning number combination na 15-42-11-31-30-28.
Nanalo naman ng tig-P48,320 ang 42 mananaya na nakalimang numero. Tig-P860 naman ang 1,885 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 34,891 mananaya na nakatatlong numero.
Batay sa datos ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang operator ng lotto sa bansa, huling tinamaan ang jackpot prize ng 6/55 noong Marso 14.
Nagkakahalaga ito ng P59.7 milyon at isa lamang ang nanalo. Tumaya ito sa lotto outlet sa Batangas.
Kinuha ng nanalo ang kanyang premyo noong Abril 1. Isa siyang bodegero na mayroong asawa at dalawang anak.
Ang mga winning ticket ay maaaring ipalit sa loob ng isang taon. Kung hindi makukuha, ang premyo ay mapupunta sa Charity Fund ng PCSO.
Sa 56 na bola, mayroong mga numero na masasabi natin na suwerte dahil ilang ulit na itong lumabas. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
Mula Marso 16 hanggang Hulyo 25 ay itinally ng Bandera ang mga numero na mahilig lumabas at ito ang lumabas na resulta.
Sa 56 na bola isang beses lamang lumabas ang numero 41.
Dalawang beses naman lumabas ang numero 3, at 54.
Tig-tatlong beses naman ang 21 at 34.
Apat na beses ang 8, 18, 22, 24, 31, 46, 49, at 55.
Limang beses naman ang numero 6, 23, 27, 36, 37, 38, 40, 43, at 48.
Anim na beses naman ang 12, 13, 29, 45, 47, 50, at 52.
Pitong beses lumabas ang numero 1, 11, 16, 19, 20, 25, 26, 28, 32, 35, at 42.
Walong beses lumabas ang numero 4, 7, 10, 30, 33, 44, at 53.
Siyam na beses lumabas ang numero 5, 14, at 51.
Sampung beses lumabas ang numero 2, 9, 15, 17, at 39.
MOST READ
LATEST STORIES