NAKARATING na Sabado ng tanghali sa Rio de Janeiro, Brazil ang delegasyon ng Pilipinas, kabilang ang anim sa 12 Pinoy na atleta na nakatakdang lumaban sa 2016 Olympic Games.
Umabot ng 25 oras ang biyahe ng mga Pinoy mula Manila.
Ligtas naman ang delegasyon na nakatuntong sa Rio sa pangunguna ni flag-bearer Ian Lariba ng table tennis kasama ang kaunting bilang ng atletang Pinoy na pinagdaanan ang pagbiyahe ng walong oras patungong Dubai at naghintay ng tatlong oras na stopover bago ang 14 oras na paglipad papunta sa Rio.
Kasama rin sa nakapapagod na 25-oras na biyahe sina Kirstie Elaine Alora ng taekwondo, Jessie Khing Lacuna ng swimming, Marestella Torres ng track and field at sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ng weightlifting.
Si Diaz at Torres-Sunang ay nasa kanilang ikatlong sunod na pagsabak sa Olimpiada habang si Lacuna ay nasa ikalawa naman nito sa paglahok sa kada apat na taong Summer Games.
Ang iba pang mga Pinoy na lalaro sa Rio Olympics ay inaasahang darating sa Brazil sa mga susunod na araw.
Lalaban din sa Rio ang mga boxer na sina Rogen Ladon at Charly Suarez; ang hurdler na si Eric Cray; ang swimmer na si Jasmine Alkhaldi; ang marathoner na si Mary Joy Tabal; at golfer na si Miguel Tabuena.
Magsisimula ang Olympics sa Agosto 5. —Angelito Oredo
Delegasyon ng Pilipinas nakarating na sa Rio
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...