MARAHIL ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya ang pinakamahalagang malaman ng bawat mamamayan, lalo’t anim na taon nating daranasin ang mga plano, aksyon at resulta, at kung tayo ba ay bubuti o magdurusa sa kanyang mga desisyon.
Sa panahong may problema tayo sa China hatid ng desisyon ng Arbitral Tribunal, lumalakas ang pang-uudyok sa atin ng America at Japan na igiit natin ang panalo at ipairal ang Exclusive Economic Zone.
Bukod dito, problema rin ang China, dahil dito nagmumula ang mga drug lords, at mga illegal drugs na ngayo’y pilit na sinisibak ng Duterte administration.
Importante ang “China stand” ng pa-ngulo dahil kung ang direksyon ay tapatan sila, malaking bahagi ng ating P3.6 trillion budget sa 2017 ay mapupunta sa militarization o depensa ng bansa.
Dahil diyan, masasakripisyo ang mga public at social services. Sa ganang akin, kahit dumaan ang sanlibong taon, hindi pa rin matatapos ang isyung kung sino ang may-ari ng mga isla. Hindi payag ang China, hindi rin tayo papayag.
Pero wala naman tayong kapabilidad kahit kasama pa ang Amerika, na paalisin doon ang mga Tsino. Kaya naman, naniniwala ako na ang dapat umiral dito ay hindi “hard-line diplomacy” kundi “let’s agree to disagree”, na usapan ng magkapitbahay na bansa at magtulungan na lamang.
Hindi naman siguro masama kung maging Pro-America o Pro-China nang sabay. Ang mahalaga ay maging pro-Pilipinas tayo. Gamitin sana nang husto ni Pa-ngulong Duterte ang Amerika at China, para sa interes ng nakararaming Pilipino sa halip na makipag-digmaan.
Halimbawa, ang China ay tulungan tayong maputol ang linya ng droga papunta sa Pili-pinas at mabitay ang mga Chinese drug lords.
Tulungan din tayong maitayo sa loob ng anim na taon ang Metro Manila railway papuntang Clark o Bicol. O kaya ang pinapangarap na railway sa Mindanao.
Ang Amerika, Japan naman ay tulungan tayo sa pagtatayo ng makabagong highways, tulay, airports, seaports at iba pang modernong pasilidad halimbawa ng mga makabagong ospital at technology centers.
Hindi lang iyun, pati mga export products natin ay papasukin nang husto sa China, Amerika at Japan at matulu-ngang lumago ang ating ekonomiya.
Dadami ang trabaho at industriya sa buong bansa at ang bawat pamilyang Pilipino kasama na ang mga naligaw ng landas ay mabibigyan ng panibagong pagkakataon.
Sa totoo lang, kasabay ng paglilinis natin sa problema ng droga, krimen at corruption”, “number 1” priority ang pagbuti ng ating ekonomiya. At hindi natin matatamo iyan kung may problema tayo sa mga MNLF, MILF, NPA at lalong lalo na ang kapitbahay na-ting China.
Kaya naman, mukhang tama ang direksyon ni Duterte. Sayang na sayang ang six years window kung puro gulo ang haharapin natin.
Totoo, higit 300 na ang namamatay na mga drug pushers at users, kasama siguro ang ilang inosente, pero, sabi nga ng marami, kailangan talagang magsakripisyo ang lipunan para magkaroon ng tunay na pagbabago.
Ang konswelo lamang natin, nabubulgar na ang mga dati’y nakatagong anomalya ng mga narco police generals, awol na pulis, narco-politicians, at ang kawalanghiyaan sa New Bilibid Prisons.
Pero, kung kapalit naman ay mas matahimik na bansa sa loob at labas, ang bawat pamilyang Pilipino ay may pag-asa pa ring umunlad.
Sakripisyo para sa pagbabago
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...