Horoscope, July 25, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Kailangang maisagawa mo ang iyong mga binabalak. Sa ganyang paraan ka mas madaling yayaman at uunlad. Kumilos na ngayon. Sa pag-ibig, kikiligin ang kasuyo sa kakaibang istilo ng romansa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Black at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag makisawsaw sa usapan ng iba, imbis na atupagin ang pakikipag-tsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya at ang pagpapayaman. Sa ganyang paraan mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Nema-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hanggat may panahon pa at maganda ang kinikita, mag-ipon na ngayon para sa future. Sa ganyang paraan, magkakaroon ng security at peace of mind ang buong pamilya. Mapalad ang 6, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Tama ang iyong iniisip mag-iba ng kapaligiran upang mahiyang naman. Baguhin na rin ang style ng iyong buhok. Sa malawakang pagbabago, higit kang liligaya at uunlad. Mapalad ang 5, 18, 23, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Magkakapera ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Taurus. Sa pag-ibig, bukod sa Taurus ka-compatible mo rin ang Capricorn at Scorpio. Mapalad ang 2, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Minsan dapat mo ring ikonsidera ang damdamin ng iba, hindi yong puro sarili mo lang ang iyong iniintindi. Kapag marunong kang magmahal ng kapwa, mas mabilis kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra:“Om-Dhipana-Ghopalago.” Black at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Pagtsagaan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magbabago din siya. Sa pinansyal, kailangang makaisip ka ng sariling pagkakaperahan, upang hindi ka laging nakaasa sa ibang tao. Mapalad ang 7, 14, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sharin-Shara-Om.” Orange at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Mali ang ginawa mong pagtanggi, paano kung ikaw naman ang mangailangan at pagkatapos ay tanggihan ka rin? Sa lahat ng panahon at pagkakataon panatiliing bukas ang palad, upang lalo ka pang pagpalain ni Lord. Mapalad ang 3, 12, 28, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Pink at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kulang ka sa lakas ng loob! Sa sandaling lumakas ang loob na magnegosyo na mga bagay na may kaugnayan sa butil at pagkain, magsisimula na ang pag-unlad at pagyaman. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyong Cancer na magpayaman din. Mapalad ang 7, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May paglalakbay na magaganap. Pagkakataon ng iplano ang mga ambisyon sa buhay sa tahimik at malayong lugar. Sa pagbalangkas ng pangarap, isaalang-alang ang pangarap mong dream house. Mapalad ang 3, 18, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig at financial, kumbinsihin ang kasuyo na mag-open kayo ng joint account sa isang kooperatiba upang mas madaling mapalago ang kabuhayan. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 41 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Ngumiti kang lagi at maging masaya, sa ganyang paraan, darami ang pera at mas madali kang liligaya. Sa pag-ibig sundin lagi ang tinitibok ng puso. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 4, 13, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Negosyong may kaugnayan sa tubig at lusaw na kalakal ang magpapayaman sa iyo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at maraming pera, kasunod naman nito ang peace of mind at wagas na ligaya. Mapalad ang 5, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Red at blue ang buenas.

Read more...