Boyfriend ang birthday wish (2)

Sulat mula kay Althea ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City
Problema:
1. Sa edad kong 27 na sa darating na August 16, hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Nagtataka nga ako sa aking kapalaran kung bakit maganda naman daw ako sabi ng mga friends ko pero bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend? Naisipan kong sumangguni sa inyo u-pang malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung saan ko makikilala ang lalaking una at huling magiging boyfriend ko?
2. Gusto ko po kasi na sa taong ito ng 2016 ay magka-boyfriend na ako lalo na nga po at 27 na ako sa birthday ko. Matutupad kaya ang simple wish ko ng ito para sa a-king ika-27th birthday?
Umaasa,
Althea ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing medyo maskulado na matangkad ang lalaking magiging boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Aries.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at makikilala sa pamamagitan ng modernong kumunikas-yon ay isinilang sa petsang 2, 11, 20 o kaya’y 29.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo tsinita, cute na bilugan ay nagsasabing ang lalaking mapapangsawa mo ay nagta-trabaho sa isang kumpanya na may kaugnayan sa sasakyan, maaaring bus, jeep, barko, eroplano o kaya’y naka-uniporme, at iba pang kauring hanapbuhay na kilala sa pagiging mahusay magdala o magsuot ng uniporme.
Luscher Color Test:
Ang pagtatagpo ninyo ng lalaking magiging boyfriend mo at mapapangasawa ay nakatakda na, kung saan, sa araw na iyon nakasuot ka ng kulay na pula habang siya naman ay nakaunipormeng asul. Yan ang palatandaang ang nasabing lalaki na ang magiging first and last boyfriend mo, hanggang sa ikaw ay tuluyan ng makapag-asawa.
Huling payo at paalala:
Althea ayon sa iyong kapalaran hindi mo dapat kainipan ang pagkakaroon ng nobyo, sa dahilang nakatakda na ang magaganap, kung saan, sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Agosto sa edad mong 27 pataas darating na ang lalaking nagtataglay ng initial na J. C. Ang lalaking ito ang siya na ngang magi-ging first and last na boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habambuhay na pa-milya na nakatakda namang maganap sa taong 2018 sa buwan ng Disyembre sa edad mong 29 pataas.

Read more...