Babala kay Luis: Mag-ingat sa kakambal na ‘sumpa’ ni Jessy

luis manzano at jessy mendiola

SA social media ay pinalalabas na jinx ng kanyang mga bashers si Jessy Mendiola. Nakakaawa raw naman si Luis Manzano dahil baka mahawa sa pagkanega ni Jessy ang actor-TV host.

Lahat daw ng aktor na nauugnay kay Jessy ay hindi nagiging maganda ang kapalaran, nabanggit pa ang pangalan ni JM de Guzman, ang kanyang dating boyfriend na nasangkot ang pangalan sa droga.

May mga tao talagang mabigat dalhin. Huwag na sa liga ng mga artista, kahit naman sa totoong buhay ay mga mga taong mabigat, parang kinakambalan ng kamalasan sa kahit anong pasukin nila ang mga taong ganu’n.

Parang hindi naman tamang isisi kay Jessy ang naging kapalaran ni JM de Guzman. Bakit, pusher ba ang dalaga para siya ang pagbintangang malas sa buhay ng magaling pa naman sanang aktor, siya ba ang nagtulak sa kanyang ex para gumamit-malulong sa droga?

Ang bawat tao ay binibiyayaan ng pagkakataong mamili, kanan ba o kaliwa, hindi ibang tao ang magsasalba sa atin kundi tayo mismo.

Hindi tamang sabihin na jinx si Jessy Mendiola. Puwede siyang tawaging maldita o masyadong feeling, puwede ring sabihing lumaki na ang ulo ng dalaga dahil sa kanyang titulo bilang pinakaseksing babae ng taong ito, pero ang palabasin siyang malas ay mukhang sobra na.

Read more...