Robin saludo sa ginagawang pagtulong ni Jodi sa Lumads

jodi sta maria at robin padilla

SINALUDUHAN ni Robin Padilla ang ginawang pagbisita ni Jodi Sta. Maria sa mga kapatid natin Lumad evacuees sa Davao kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Binoe ang isang artikulo kung saan kinumpirma nga na dumalaw si Jodi sa mga Lumad evacuees sa United Church of Christ in the Philippines, Davao City.

Ayon sa ulat, matagal nang ginagawa ni Jodi ang charity work na ito. Nagpapadala rin ang aktres ng pagkain doon at school supplies para sa mga kabataang nag-aaral. Nangako rin si Jodi na tutulungan din ang mga guro roon.

Bukod kina Binoe at Jodi, marami pang artistang sumusuporta sa mga kababayan nating Lumads na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.

Read more...