Paistaran ng 4 na Sang’gre sa Encantadia simula na

sanggres

KINOKONSIDERA ng award-winning character actor na si Neil Ryan Sese na isang importanteng role ang ginaganpanan niya sa telefantasya ng GMA na Encantadia.

Aniya, sa kanya raw kasi nakasalalay kung magiging magulo o mapayapa ang mundo Encantadia, “Sa kanya nakasalalay ‘yung kung papaano magbabago ‘yung Encantadia dahil greedy siya sa power, sakim siya. Nasa kanya ‘yung dahilan kung bakit magiging magulo at saka ikatatahimik ng Encantadia,” sey ni Neil.

Nagsisimula pa lang ang Encantadia sa GMA Telebabad kaya asahan ang napakarami pang pasabog ng serye after 24 Oras. Siyempre, dapat n’yong tutukan ang buhay ng apat na Sang’gre na ginagampanan nina Glaiza de Castro as Pirena, Kylie Padilla bilang Amihan, Sanya Lopez as Danaya at Gabbi Garcia bilang Alena.

Samantala, abangan ang cast ng Encantadia sa kanilang mall show sa SM City Rosario ngayong hapon, 5 p.m.. Asahan ang pagdating nina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Pancho Magno, Klea Pineda, Migo Adecer, Mikee Quintos, Carlo Gonzalez, James Teng at Kate Valdez.

Ngayong Linggo, balikan din ang simula ng bagong kuwento ng Encantadia na kinahumalingan ng milyun-milyong Pilipino sa GMA pagkatapos ng I-Bilib.

Read more...