Billy isinugod sa ospital, Coleen nag-enjoy bilang ‘nurse’

coleen garcia at billy crawford

NAOSPITAL pala si Billy Crawford kaya absent siya sa presscon ng bagong pelikula ng Regal Entertainment na “That Thing Called Tanga Na” kamakailan.

Isa si Billy sa members ng cast ng nasabing pelikula at ayon nga sa mga taga-Regal Films hindi nakarating ang aktor sa presscon dahil nga isinugod ito sa ospital. Sa Instagram post ng girlfriend ni Billy na si Coleen Garcia, makikita sa mga litrato na magkasama sila ni Billy sa loob ng hospital room nito pati ang ilan nilang kaibigan.

“My Ariana Venti is sick and currently confined in the hospital. Please join us in praying for @billyjoecrawford’s speedy recovery!” ang caption ni Coleen sa isang photo nila ni Billy. Hindi naman nabanggit ni Coleen kung ano ang naging sakit ng TV host-actor-singer. Isa pang picture ang ipinost ni Coleen sa IG kung saan makikitang naglalaro na sila ng cards ni Billy.

May caption ito na, “Keeping @billyjoecrawford company by playing Tong-its. We play card games together on a daily basis. Also obsessed with Poker and Pusoy Dos. He’s feeling much better btw! Thank you guys for the concern!”

Read more...