Kean: OK lang kung maging bading ako sa next life ko!

kean cipriano

PAULIT-ULIT na sinabi ni Kean Cipriano na sobrang na-enjoy niya ang gay character niya sa latest movie niyang “That Thing Called Tanga Na.”

Bilang C.C. na isang fashion designer at owner ng isang online clothing company at nagplanong magpakasal sa kanyang boyfriend of five years, sinabi ni Kean na hindi na niya kailangan ng peg for his role.

Maski sa preparation, hindi siya bothered kasi “Sa dami ng mga kaibigan ko na gay, nandiyan pa si direk Joel (Lamangan) na gumagabay sa akin, so wala akong naging problema.”

“Actually, sobrang na-enjoy ko ang gay character ko na even after shooting it ay nadadala ko. Masaya maging bakla. Kung sa next life ko ay maging bakla ako ay okay lang kasi masaya maging bakla,” say pa ng rocker.

Pabor si Kean sa same-sex marriage, “Pag-ibig ‘yan, eh. Sa pag-ibig ay wala naman tayong pinipiling rules or anything. Kumbaga, hashtags love wins. ‘Yun na lang talaga ang importante sa mundo. All is fair in love so for me love wins. Preference naman talaga ng tao ‘yan, eh. At the end of the day it’s is love.

Read more...