Juday, Piolo nagkabalikan, payag maging loveteam uli sa pelikula

judy ann santos at piolo pascual

PAGKALIPAS ng napakaraming taon, muling nagkasama sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual sa isang stage at humarap kahapon sa entertainment media para sa presscon ng bago nilang endorsement together, ang Sun Life Financial.

Sila ang napili ng mga may-ari ng Sun Life para sa bagong ad campaign ng kumpanya na may tagline na “Money For Life”. Kasama rin nila rito si Matteo Guidicelli at ang dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos.

Ayon kay Mylene Daez-Lopa, Sun Life Financial chief marketing officer, “All four of them are at different stages in their lives, and as you can see, they are all financially secure and are living life to the fullest. That’s because they were able to prepare well for it by having proper money habits with the guidance of our Sun Life financial advisors.”

Ayon kina Juday at Piolo, ngayon pa lang ay secured na ang kanilang future dahil nakakuha na sila ng iba’t ibang financial programs ng Sun Life for themselves at sa kanilang pamilya. Bukod sa investments, naniniwala sila na malaki ang maitutulong ng kanilang mga insurance kapag nag-retire na sila sa pagtatrabaho.

Samantala, willing naman sina Juday at Piolo na magsama uli sa isang proyekto na matagal ng request ng kanilang fans. Sey ni Juday, “Why not? If there’s a good material at magandang script. It will happen, kung talagang para sa amin yan. Basta kapag hindi na ako mukhang mascot.”

Medyo mataba pa ngayon ang asawa ni Ryan Agoncillo dahil kapapanganak pa lang niya. Pero nagsimula na siyang magbawak ng timbang, “Dahan-dahan lang, ayokong biglain. Getting there na.”
Sey naman ni PJ, walang problema sa kanya, anytime ay pwede siya, hinihintay lang niyang maging ready si Juday.

Read more...