PARA sa mga young at heart, kilig ang hatid nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali—who play Ethan and Yumi, respectively—in the top-rating sitcom Ismol Family every Sunday.
Kung ang captive audience kasi nina Ryan Agoncillo at Carla Abellana (Jingo at Majay) ay mga young couples, mga bagets naman ang target market nina Miguel at Bianca who, in the story, have yet to turn their friendship into a romantic relationship.
Bakit nga ba kasi ibinibitin pa sa kuwento kung ano ang kahihinatnan ng dalawa, gayong sa relasyon din naman ito mauuwi? Ooppps, lest its loyal viewers forget, Ismol Family is not just about fun and humor embodied in its every episode.
Kalakip din kasi nito ang mga makabuluhan albeit old-fashioned family values bilang responsibilidad na rin ng show sa ating lipunan. Of course, uso ang mga crushes, ang puppy love at mga kung anik-anik dala ng kabataan, but getting trapped in it ay depende sa edad at maturity ng tao.
In the meantime, makikilig muna tayo kina Miguel at Bianca at saka na natin sila ibuyo sa seryosong pag-iibigan, ‘no!