‘Sakit’ ni singer-actor bumalik, problema uli ng produksiyon

BLIND ITEM 0301

WALA talagang positibong resultang nagagawa ang pagbibisyo. Kapag niyakap ninuman ang droga ay asahan na ang pagguho ng kanyang kabuhayan, ang pagkasira ng kanyang buhay, ang pagkawasak ng kanyang pagkatao.

Wala nang ibang kasunod ang pagbibisyo kundi puro negatibo. Sayang na pangarap, sayang na oportunidad, sayang na talento. Kung nakasisira ng buhay ang droga ay ganu’n din ang katamaran. Parang hindi nagkakaiba ang resulta kapag umaasa lang ang kahit sino sa pader na kanyang sinasandalan.

Ganu’n mismo ang nangyayari ngayon sa isang magaling pa naman umarteng aktor na puwedeng-puwede ring ilaban nang sabayan sa kantahan. Sa isang pangako na magbabago na ang kanyang working attitude ay pinagkatiwalaan ng isang produksiyon ang may katamarang actor-singer. Second chance? Why not, coconut, bakit ang hindi?

Pero kuwento ng aming source, “Nu’ng una, parang ginulat niya ang lahat, dumarating siya sa tamang oras, masipag siya, mukhang nagbago na nga ang kabigatan ng katawan ng male personality! “Pero hanggang sa una lang naman pala ‘yun dahil isang araw, e, hindi na siya tumutupad sa call time niya, namumuti na ang mga mata ng mga artista, pero wala pa rin siya! Naaabala ang production, malaki ang gastos sa taping, balik sa dating gawi ang actor-singer.

“Hindi makapag-roll si directed by, sa halos lahat kasi ng eksena, e, kasali siya. Tengga ang lahat sa set, tinatawagan nila ang actor-singer, pero patay ang phone niya! “Napako na naman ang pangako niyang magbabago na siya, na magsisipag na siya, na hinding-hindi na siya magiging problema ng production.

“Mabigat pa rin ang kanyang katawan, para siyang mantikang matulog, tamad pa rin ang actor-singer. “Bradly Guevarra, kailan kaya siya magbabago at magigising sa katotohanan na his co-actors can only give so much? Gets mo na kung sino siya? Give na ako ng clue, ha?” pagtatapos ng aming source.

Read more...