Cesar lumabas ang pagiging ‘action star’ sa eroplano

cesar montano

KUNG ang pagrereklamo ni Cesar Montano ang magiging daan para mas matutukan ang mga problema natin sa NAIA at iba pang paliparan sa bansa, aba, tiyak na marami ang sasaludo sa kanya.

Kaisa ni Buboy ang madlang pipol sa naging pahayag niya laban sa mga taong nagpapalakad sa mga airport natin matapos ngang makaranas ng discomfort sa isa niyang flight.  Minsan talaga, kaila-ngang may matapang na magsasalita para “kulitin” ang mga negosyong nagbibigay serbisyo sa publiko na dapat ding iparating sa gobyerno.

Pero sa isyung pambabastos umano at pagiging maangas ni Cesar sa ilang flight personnel ng eroplanong kanilang nasakyan pabalik ng Manila (from Davao), ay magdadalawang-isip kaming purihin siya. May mga kaibigan din kasi kaming naipit sa naturang flight na beyond the aircraft’s control and sanction na pero nakatikim daw sila ng pag-aangas ni Cesar.

Sey nga ng isa sa mga ito, “Trained din po kami na magkaroon ng mahabang pasensya lalo na’t iba-ibang klase ng tao ang pinagsisilbihan namin. When we were told na meron ngang problema sa runway at mada-divert kami sa Clark, we tried our best to relay the unforseen problem sa aming passengers.

“Biktima rin po kami dahil sino ba ang gugustuhing maipit ng halos 10 oras sa eroplano? Kung nauuhaw at nagugutom sila, ganu’n din po kami. Kung naiinitan sila at gusto na nilang makalanghap ng hangin, kami din po. But there are rules that we need to follow,” paliwanag ng aming kausap.

Nasaktan daw sila sa pananalita ng aktor dahil parang pinalalabas daw nitong bobo silang lahat at walang pakialam sa kapakanan ng mga pasahero. Diumano, very agitating daw ang emote ni Cesar that time na tila lumabas ang pagiging action star na handang makipagbakbakan sa gobyerno at sa mga nagpapatakbo ng mga airlines sa bansa.

Well, ipinaabot din namin sa aming mga kausap na hindi rin nila masisisi si Cesar dahil sa nangyari. Karapatan nitong magreklamo dahil sila ang naperwisyo. Intindihin na lang nila ang sentimyento ng mga pasahero at mas pagbutihin pa ang kanilang serbisyo.

Read more...