Nanay ni Jessy Mendiola bagong 'reyna ng patola', perpekto ang tingin sa anak | Bandera

Nanay ni Jessy Mendiola bagong ‘reyna ng patola’, perpekto ang tingin sa anak

Cristy Fermin, Julie Bonifacio - July 23, 2016 - 12:01 AM

jessy mendiola1

HINDI lang si Jessy Mendiola ang nagiging masyadong nega ang dating ngayon sa publiko kundi pati ang kanyang ina.

Walang problema kung ipagtatanggol man ng nanay ang kanyang anak na sa palagay niya’y pi-nupupog na, pero depende ‘yun sa atake, kung maganda ang pakikihalo ay maiintindihan siya. Pero matulis ang dila ng ina ni Jessy, parang may halo pang pananakot ang kanyang pananalita, naghahamon siya at parang gusto niyang ipamukha sa lahat na perpekto ang kanyang anak na hindi maaaring pansinin ng kahit sino ang mga kakulangan at ka-labisan ng dalaga.

Sa simula pa lang ng pag-entra sa showbiz ni Jessy at ng kanyang kapatid ay nalaman at natanggap na dapat ni Gng. Mendiola na balon ng mga intriga ang pinasok na kuweba ng mahal niyang si Jessy. Bahagi ng showbiz ang mga intriga at kontrobersiya, ang mga opinyon na hindi niya hawak, dahil magkakaiba ang panlasa ng bawat tao.

Hindi biktima ng pamba-bash si Jessy, ang mismong ina ng aktres ang basher, ganu’n ang pakiramdam ngayon ng mas nakararami dahil sa pagpo-post niya ng mga salitang nakakaalarma para sa career ng kanyang anak. Isang araw, kapag lumamlam ang kanyang career na gumaganda na sana ang takbo, ay walang dapat pagbalingan ng sisi si Jessy Mendiola kundi ang matalim na dila ng kanyang nanay.

Walang masama sa pagtatanggol, pero ang pagpapakawala ng mga salitang may halong pagbabanta at paghahamon ay ibang kuwento na, teka-teka lang naman muna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending