Kalat na: Jessy tumangging magpapiktyur sa utol ni mayor

jessy mendiola

HINDI pa kami nakakabalik ng Maynila ay lumabas na ang balita na isa nang Kapamilya ang Queen of Soul na si Jaya. Binibiro-biro pa namin si Jaya before she performed on stage sa Carrascal na finally mapapanood na rin namin siyang mag-perform sa ASAP at wish naming makakanta rin siya ng theme song sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Say ni Jaya, magdilang-anghel daw sana kami na nangyari na nga. Isusulat na rin sana namin ni kumareng Pilar Mateo ang tungkol sa napipintong paglipat ni Jaya sa ABS-CBN pero nakiusap ang singer na huwag daw muna.

Kung ano’ng pagka-cowboy at kaswal na kaswal ni Jaya sa mga taga-Carrascal, negatibo naman ang mga nakuha naming feedback kay Jessy Mendiola especially when we found out na ni hindi man lang niya pinagbigyan na makapagpa-picture sa kanya ang bunsong kapatid ni Mayor JV.

At ang matindi pa before the show sa plaza, e, gusto raw ni Jessy na siya ang finale sa show over Billy Crawford. Mabuti na lang “natauhan” si Jessy kaya pumayag na rin siya na si Billy ang finale at ‘di siya. Kaliwa’t kanan ang isyu kay Jessy, huh!

Read more...