AMINADO kami na sa kawalan ng familiarity, we had to Google kung ano ang hitsura ni Jay-R Siaboc, ang pride ng Toledo City, Cebu who almost made it to the Pinoy Dream Academy several years ago.
More than a week ago, Jay-R was reported to have turned himself in sa pulisya sa kanilang bayan following the present government’s intensified campaign against drug users and pushers alike.
Ayon sa ulat, isa ang actor-singer sa mahigit 500 katao who voluntarily surrendered themselves sa takot na rin para sa kanilang seguridad at kanilang mga pamilya.
Done with his initial TV rounds, sumalang naman nitong Martes sa programang “Cristy Ferminute” si Jay-R. Generally, ang noong una’y inakala naming bagsak ang katawan (komo nga gumagamit), nanlilimahid, masyontot, kulang sa paligo, maaaring lagas-lagas ang mga ngipin na si Jay-R turned out to be the exact opposite.
If we had known Jay-R long before, tahasan naming sasabihing, “Yun ba ang addict? Eh, kung ganu’n ang itsura ng nag-aadik, aba, magpaadik na kayo!”
But seriously, Jay-R looked oh-so-mouth-watering like Susan’s processed meat, crunchy like Regent Foods Corporation’s King Crab and adorable like James Vincent Navarrette’s nephews Mighty, King and Marvels and niece Chelsea!
That afternoon, Jay-R with wife Tricia and three year-old daughter Haley had to skip their flight back to Cebu. Kinailangan din kasing samantalahin ni Jay-R ang pagpapaliwanag para linisin ang kanyang pangalan batay sa mga lumabas na ulat.
Una, hindi raw voluntary surrender ang kanyang ginawa. The procedure was less complicated that he simply had to fill out a form at the police station. Ikalawa and more importantly, he denied being on the watch list ng PNP.Pero hindi ikinaila ni Jay-R that yes, he was on drugs pero tatlong taon na raw ang nakararaan so how could he be under surveillance?
Taong 2010 nang magiyang siya sa paggamit ng drugs. Bukod sa peer pressure, the depressing state of his aimless showbiz career was the culprit. The twists and turns of events even became worse, halos magmakaawa raw siyang bigyan ng gig sa Cebu kahit magkano lang ang ibayad sa kanya, maipantustos lang niya sa kanyang pamilya. Pero sarado na raw ang kabanatang ‘yon sa aklat ng kanyang buhay. Salamat sa bibang-bibang si Haley who got him back on the right track.
Turning his back on drugs, mas nakatuon ngayon ang pansin ni Jay-R kung paanong pasisiglahing muli ang kanyang naunsiyaming career. At hindi natin dapat ipagkait sa isang tulad niyang mahusay na mang-aawit ang pangalawang pagkakataon.
From “shabu” to Siaboc again!