Gardo Versoza, Roi Vinzon sasabak sa beki cooking challenge

gardo versoza at roi vinzon

NGAYONG Sabado sa favorite n’yong cooking show with a big twist, ang Sarap Diva, isang beki challenge ang ibibigay ni Regine Velasquez sa kanyang mga special guest.

Isasalang ng Asia’s Songbird ang magagaling na Kapuso character actors na sina Gardo Versoza at Roi Vinzon sa bonggang cooking challenge na may beki twist!

Ipagluluto kayo ng dalawang premyadong aktor habang sila ay nagsasalita ng gay lingo. Hahamunin din ang galing ng dalawa sa isang Beki Charades game kasama ang mga gay stand-comedian na sina Tetay at Bekimon. Abangan ang lahat ng yan at iba pang nakakaaliw at nakakatawang sorpresa ngayong Sabado sa Sarap Diva pagkatapos ng Maynila sa GMA 7.

 

Read more...