NAGHULOG si Bernabe Teodoro ng game-winning jumper para tulungan ang Jose Rizal University Heavy Bombers na masilat ang Emilio Aguinaldo College Generals, 60-59, sa kanilang NCAA Season 92 men’s basketball game Huwebes sa The Arena sa San Juan City.
Matapos na ibigay ni Francis Munsayac sa Generals ang 59-58 kalamangan may 11.1 segundo ang natitira sa laro bumitaw si Teodoro ng 15-foot jumper may 5.3 segundo ang nalalabi para sa game-winning basket.
Si Teodoro ay nagtala ng game-high 21 puntos habang si Mark Cruz ay nagdagdag ng 14 puntos para sa Heavy Bombers na umangat sa 2-3 karta.
Sa ikalawang laro, tinambakan ng Lyceum Pirates ang St. Benilde Blazers, 75-58.
Kumana si Adrian Alban ng 21 puntos para pamunuan ang Pirates na umakyat sa 2-3 kartada.