Pacquiao pwede pang mag-boxing pero…

WALANG masama kung nais pa ni Senador Manny Pacquiao na lumaban muli sa boxing ring.

Pero, ayon kay outgoing Senate President Franklin Drilon, dapat ay hindi ito makasagabal sa trabaho ni Pacquiao bilang isang senador.

“He asked me if he can box. I said ‘there’s nothing to prevent you, but you can do it in a manner that will not interfere with your job as a senator because you will be severely criticized.’ And so I said ‘you can box during the break,” sabi ni  Drilon sa Senate forum.

“I support his desire to exercise his profession as a professional boxer as long as he remains true to his commitment that he will not let the exercise of his profession to interfere with his Senate duties.”

Noong isang linggo ay ibinunyag ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ang plano para sa next fight ni Pacquiao sa Nobyembre.

“He likes to fight, and he likes the attention,” sabi ni Arum.

Agad namang sumagot si Pacquiao at sinabing wala siyang balak na umabsent sa Senado para mag-training at mag-boxing.

“My priority is my legislative work,” aniya.

Si Pacquiao ang may pinakamaraming absent sa House of Representatives noong siya ay congressman pa ng Sarangani.

Sa ikatlo at huling regular session ng 16th Congress ay isang beses lang nakadalo ng session si Pacquiao at may 22 absences ito.

Ngayong Senador na si Pacquiao ay nangako itong dadalo sa bawat sesyon sa Senado.

Read more...