PH under-19 spikers laglag sa 4th place

NABIGONG mag-uwi ng medalya ang Pilipinas na nahulog sa ikaapat na puwesto matapos yumuko kontra Indonesia, 12-25, 21-25, 17-25, sa pagtatapos ng 19th Princess Cup Southeast Asian Women’s Under-19 Championship Miyerkules ng hapon sa Sisaket, Thailand.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan na nalasap ng Pilipinas na nabigo rin sa semifinals kontra Vietnam, 14-25, 16-25, 18-25.

Tanging naging insentibo at pampalubag loob para sa Lady Nationals ang nakamit na award ni Kathleen Arado ng University of the East na ginawaran bilang Best Libero sa torneo.

Ipinagmalaki naman ni Philippines Under-19 volleyball team manager Peter Cayco ang naabot ng koponan na halos ilang linggo lamang nagkasama-sama at nagkaroon pa ng problema dahil sa hindi nakasama ang ilang players na wala pang passport.

Read more...