MEDYO na-confuse ang fans ni Sarah Geronimo nang kumalat sa social media ang photo niya while having pole dancing lessons.
Ang akala kasi ng marami ay may sakit siya kaya nagpahinga muna sa showbiz.
Meron ding nag-akala na buntis siya kaya medyo lie low siya sa singing ngayon.
Nagitla na lang ang lahat when a photo showing Sarah doing some pole dancing found its way into the internet.
“Kakaiba ka tLga sarah… embis na magpa interview para sagutin yung isyu na pagbubuntis eto ang sagot moh,” said one fan.
“Akala ko ba may sakit si Sarah bakit busy cia sa kakasayaw…ask ko lang,” naguguluhang tanong naman ng isang fan.
Sagot naman ng isang supporter ng Pop Star, “Nganga naLang kayo mga haters…#SarahGmoves.”
Another one naman said, “O, ayan, ha! Patunay na hindi buntis si Sarah G, ha! May pregnant bang nagpo-pole dancing? Halerrrr! Pak. Ganern!”
Ang isa pang activity ngayon ni Sarah ay ang pagluluto. Nag-enrol siya sa isang culinary school, ang Center for Asian Culinary Studies. Nag-post nga si Chef Gene Gonzalez ng photo kasama ang singer-actress.
Parang domesticated ngayon ang drama ng Pop Princess, ha.
She’s taking her two-month hiatus from showbiz to a different level. Marami ang nakakapansin na parang pinaghahandaan na ni Sarah ang magiging buhay niya kapag napangasawa niya si Matteo Guidicelli.