Sunshine puring-puri si Diego Loyzaga: Mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo!

SUNSHINE CRUZ

SUNSHINE CRUZ

NAGPASALAMAT ang aktres na si Teresa Loyzaga kay Sunshine Cruz dahil sa mga kind words na sinabi nito sa kanyang anak na si Diego Loyzaga.

Sunshine Cruz posted a picture of her sa Instagram kasama ang young actor na si Diego Loyzaga na may caption na: “Happy to see you Diego. Mahal ka namin ng mga kapatid mo.”

Si Diego ay anak ng estranged husband ni Sunshine na si Cesar Montano kay Teresa. And when Teresa saw the IG post of Sunshine she immediately thanked the actress.

Reply naman ni Sunshine, “Napakabait ng anak mo Tong kaya mahal na mahal ng mga anak ko. Andito lang kami ng mga bata. See you soon. We love you guys.”

Read more...