Jay-R: Gusto kong makapagtrabaho uli para sa mag-ina ko! | Bandera

Jay-R: Gusto kong makapagtrabaho uli para sa mag-ina ko!

Cristy Fermin - July 22, 2016 - 12:30 AM

JAY-R SIABOC AT HAILEY

JAY-R SIABOC AT HAILEY

NAKABALIK na sa Toledo City, Cebu ang kontrobersiyal na singer-actor na si Jay-R Siaboc.

Nakakahinga na nang maluwag ngayon si Jay-R dahil naipaliwanag na niya sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang mga interbyu na wala siyang dapat katakutan sa malawakang proyektong pinaiiral ngayon ng ating pamahalaan sa usapin ng droga.

Malinaw na ang lahat. Totoong gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot nu’ng mga panahong inaatake siya ng depresyon dahil sa pagtamlay ng kanyang career pero kailanman ay hindi siya naging pusher.

“Matagal na po akong tumigil. Nu’ng ipanganak po ang anak kong si Hailey, ako na po mismo ang bumitiw sa bisyo, walang namilit sa akin, dahil ang future ng anak ko ang gumising sa akin sa katotohanan na wala akong mapupuntahang maganda sa paggamit ng droga,” rebelasyon ng magaling pa ring singer-actor.

Tatlong taong-gulang na ang kanilang anak ni Tricia, ang maganda niyang ka-live-in, napakabibo ng kanilang anak bukod pa sa maganda.

Manang-mana kay Jay-R si Hailey, sa murang edad ay magaling na itong kumanta, bibang-biba ang bata na hindi namimili ng kausap.

“Gusto ko po sanang makabalik uli sa mainstream, nagpatalo po ako nu’n sa depression, pinagsisisihan ko po ang nangyari. Pagkanta lang po ang alam kong trabaho, kaya gusto kong makapagtrabaho uli para sa mag-ina ko,” pagtatapat ng magaling na singer.

Sana nga ay meron pang mga pintuan ng oportunidad na magbukas para kay Jay-R Siaboc. Sinsero ang kagustuhan niyang makabalik uli, isang bagong Jay-R Siaboc na ang muling papagitna sa entablado, harinawang magkaroon ng katuparan ang kanyang hiling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending