Teddy Locsin ikinumpara si Maine sa sikat na Hollywood actress; Alden ‘pitch perfect’

aldub

HUMANGA rin ang journalist-TV news anchor na si Teddy Locsin, Jr. sa pagkakagawa ng Alden Richards at Maine Mendoza movie na “Imagine You & Me”.
Ibinandera niya ang paghanga sa AlDub movie sa kanyang Twitter account na @teddyboylocsin. Ikinumpara pa niya si Maine sa sikat na Hollywood actress na si Jennifer Aniston.

“Imagine You & Me is a deft retelling of Romeo & Juliet. Alden & Maine are refreshingly natural, not playing characters as living,” unang tweet ni Teddy.

Sinundan niya ito ng, “Maine is the most lovable funny girl on screen today; I keep thinking Jennifer Aniston. Alden’s portrayal is pitch perfect a polished.”

Subalit hindi gaya ng post ni Kris Aquino sa paghanga sa “IYAM” at sa Al-Dub loveteam na may mga nam-bash, maraming followers ni Locsin ang nagpahatid ng pasasalamat sa tweet niya.
Anyway, nasa second week na ang AlDub movie. Wala pang official figures na inilalabas ang producers nito. Pero siguradong masaya ang mga ito sa kinita ng kanilang project.
On-going na rin ang international screenings ng “IYAM” sa iba’t ibang bansa, kaya ang saya-saya ng mga miyembro ng AlDub supporters sa buong universe.

Read more...