Singer ni FPJ kakanta sa SONA ni Duterte

bayang barrios
Kung narinig siya ng mga Filipino na kumakanta ng ‘Bagong Umaga’ sa political rally ni Sen. Grace Poe sa nakaraang kampanya, si Bayan Barrios naman ay muli nating maririnig sa pagkanta ng Lupang Hinirang sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
     Kahapon ay pumunta na si Barrios o Junelie Otero Barrios sa tunay na buhay, sa plenaryo ng Kamara de Representantes upang mag-rehearsal.
     Si Barrios ay isang Manolo prolific singer mula sa Agusan del Sur na kumanta ng Bagong Umaga ng mangampanya si Fernando Poe Jr., noong 2004. Muli siyang kinuha upang muli itong kantahan ng anak ni FPJ na si Sen. Poe noong 2010 campaign.
     Noong inagurasyon ni Duterte ang kumanta ay ang paborito niyang singer na si Freddie Aguilar.
     Binago ni Aguilar ang lyrics ng kanya niyang Ipaglaban Mo at ginawa itong Para sa Tunay na Pagbabago na siyang tema ng kampanya ni Duterte.
     Noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang madalas na kumanta ay si Noel Cabangon.

Read more...