Pelikula nina Alden at Maine kumita naman, pero…

maine mendoza at alden richards

ISANG kapatid namin sa panulat ang nanood ng pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang tinataong sinehan sa Quezon City.

Pangatlong araw pa lang ‘yun ng “Imagine You & Me”, nakahanda na ang kanyang sarili na baka sa simula ng pelikula ay nakatayo lang ito, saka lang makauupo kapag marami nang naglalabasang nanonood.

“Bakit ganu’n? Iilan lang kami sa sinehan? May MTRCB pass pa ako, kaya ilan lang ang nagbayad! Kaya nga ba nu’ng tingnan ko pa lang ang ticket box, e, kinabahan na ako, confirmed!” kuwento ng kasamahan naming reporter. Gusto na lang isipin ng aming kapwa manunulat na maaga kasi itong nanood, unang screening pa lang kasi, kaya kakaunti lang sila sa sinehan.

Pero ang kanyang katwiran, “Palagi namang ganito ang ginagawa ko, sa third day ako nanonood, gusto ko kasing ma-prove kung malakas ba talaga ang movie. Marami kasing production ang puro press release lang, kunwari, e, malakas ang pelikula, pero hindi naman!

“Nagtataka lang ako dito sa pelikula nina Maine at Alden, kapag malakas kasi ang movie, kahit sa unang screening pa lang, e, malakas na talaga. Pero ito, iilan lang kami, MTRCB pass pa ang sa akin,” sabi ng aming kausap.

Maaaring malakas din naman ang pelikula, hindi pinabayaan ng kanilang mga tagasuporta sina Alden at Maine, kaya nga lang ay hindi ‘yun kasinglakas ng inaasahan ng mas nakararami.
Pero kumita ang pelikula.

Read more...