May nakalaang upuan ang mga naging pangulo ng bansa sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa Lunes.
At ang pagkakasunod-sunod nito ay ayon sa kanilang termino, kaya magkatabi si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Sa panayam kay House deputy secretary general Artemio Adaza sinabi nito na ang mga upuan ay nasa First Gallery.
Una ang upuan ni dating Pangulong Fidel Ramos at sa kanyang tabi ay si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada, Arroyo at Aquino.
“Pero may option si President Arroyo kung uupo siya sa gallery o uupo siya sa gitna ng session hall as Representative of Pampanga,” ani Adaza.
Naipadala na ng Kongreso ang mga imbitasyon sa mga dating Pangulo.
Sa ilalim ng Arroyo administration ay nakulong si Estrada at napatunayang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder. Nakalabas naman siya ng kulungan matapos na bigyan ng pardon ni Arroyo.
Si Arroyo naman ay nakulong sa ilalim ng Aquino government. Inabsuwelto naman si Arroyo sa bago matapos ang unang buwan sa puwesto ng Duterte administration.
MOST READ
LATEST STORIES