Richard dismayado sa pagpapalabas ng ‘Panday’ sa TV5; May bagong movie

sarah lahbati at richard gutierrez

KASWAL na naibisto ni Richard Gutierrez na nagkaroon na ng falling out ang Viva Entertainment at TV5. Present si Chard sa presscon ng reality show ng Gutierrez family na It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, Pasig City last Monday.

Eh, maging si Richard ay medyo dismayado rin sa paiba-ibang schedules ng airing ng TV series niya sa Kapatid Network na Ang Panday na produced ng Viva at TV5. “Yes I was frustrated. To be honest I was frustrated sa time slot that was given to Panday. Ang usapan namin ay magkakaroon ng fixed time slot. As soon as we started airing, our time slot kept moving.

“‘Yung airing days namin kept changing. Ako mismo as Panday, hindi ko alam kung ipalalabas ba kami ngayong gabi? Anong oras? So medyo frustrating for me ‘yung naging set up na ganoon. “Although when you’re working that much, you can’t be bothered by those things so I tried to just focus on my work. Tina-try namin ni direk Mac (Alejandre) na pagandahin ang show despite sa nagiging problema na hindi namin kayang kontrolin.

“Nag-focus kami sa mga bagay na kaya naming kontrolin which is to do best for the show and that’s what we tried to do. So medyo frustrating dahil medyo hindi na-figure out ng TV5 kung anong time slot ang gusto nila,” paliwanag ni Chard.

“Ang isa pa palang frustrating I think is ‘yung falling out ng partnership ng Viva and TV5. But it turned out to be on a short term. Right now, we are planning to do a movie with Viva and we’ll see what happens after that,” dagdag pa ng aktor.

May natapos na ring movie si Richard, ang “Miracles Are Forever” pero dahil sa maselang tema tungkol sa Mamasapano Massacre, na-delay ang showing nito at baka August pa maipalabas. Kasama rin pala sa reality show si Sarah Lahbati at anak nilang si Zion. Mas mapapanood daw ang lambingan nilang mag-asawa unlike sa huling season na tahimik lang ang mundo nila. ‘Yun nga lang, kahit gusto nang sundan ni Chard si Zion this year, si Sarah pa rin ang umaayaw.

Sa nasabing presscon, umiral ang pagiging ina ni Tita Annabelle Rama nang hindi sinasadyang masabi na muntik nang mamatay si Ruffa na nakunan ng kamera. Nawala ang pagiging mataray niya’t dalawang beses siyang humagulgol dahil ayaw niyang mawalan ng anak! Anyway, sa July 25, Lunes, ang pilot ng ITGTBAG, 8:30 p.m. sa E! Asia’s Heart Pinoy Monday Block.

Read more...