MacMac: Hindi kami magkaribal ni Onyok! Pareho lang kami!

macmac at onyok

DREAM come true para kay Mac Mac ng Ang Probinsiyano ang first meeting nila ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice.

Ilang beses na raw kasing hindi natuloy ang pagkikita nila. When we asked him kung ano ang gagawin niya kapag nag-meet sila ni Vice, ta-tumbling daw siya. Nang matanong namin kung may kompetisyon sa kanila ng isa pang child star na si Onyok bilang nakilala sila sa highest rating teleserye ni Coco Martin, say ni Mac Mac ay wala silang competition.

“Hindi (ko siya karibal). Ano lang, ang turing ko sa kanya ay kapatid kasi parehas lang kami. Walang kompetisyon saka ayaw ko rin ng ganoon kasi pareho kaming binibigay ang best namin. Inintriga namin si Mac Mac kung sino sa kanila ni Onyok ang mas magaling umarte. “Parehas lang kasi merong kakayahan si Onyok na hindi ko kaya. Meron akong kakayahan na hindi kaya ni Onyok,” say ng bagets. Like what? “Ang um-aura,” walang kagatol-gatol na say ni Mac Mac.

Speaking of Ang Probinsiyano, pinakain ng alikabok ng show ang pilot episode ng Encantadia. Ang Probinsiyano got 42.4% against Encantadia’s 21.0% based on Kantar/Media survey. Nangalahati lang ang rating ng pilot episode ng Encantadia, ha. Talaga naman kasing intense ang mge eksena sa Ang Probinsiyano lalo na noong mabaril ang character ni Jaime Fabregas. Kaloka ang mga eksena, talagang makapigil-hininga, parang pelikula.

Napansin lang namin, Coco has a very expressive eyes na wala sa ibang male celebrities. Pati mata niya umaarte. Only Nora Aunor can do that, at sa lalaking artista, si Coco lang yata ang may kakayahang ganyan.

Read more...