Showtime ng ABS-CBN laging wagi sa ratings game

showtime

MAS lalo ngang tinututukan at inaabangan ng mga manonood ang good vibes na hatid ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime kaya naman patuloy din ang pamamayagpag nito sa national TV ratings.

Nito ngang Sabado (July 16), pinanood ng sambayanan ang sorpresang paglabas ng Queen of Soul na si Jaya bilang pinakabagong hurado ng singing competition na “Tawag ng Tanghalan” at nakapagtala ng national TV rating na 19.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Mas mataas ito kumpara sa nakamit na 15.9% ng katapat nitong programang Eat Bulaga na nagdiwang ng unang anniversary ng AlDub.

Mas marami pa ngang sorpresa ang ihahain ng pinakapinag-uusapang singing competition sa tanghali sa pagdating ni Jaya bilang karagdagan sa mga respetadong hurado ng patimpalak na siguradong pakaaabangan ng mga manonood.

Saan nga ba magmumula ang pinakaunang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan?” Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang “Tawag ng Tanghalan,” sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN.

Read more...