PINAGKUKUWENTUHAN sa isang umpukan ng mga beki nu’ng nakaraang gabi ang kasupladuhan ng isang aktor. Nakita raw nila ang guwapo pa namang aktor nu’ng minsan sa isang pampublikong lugar.
Natural, dahil kilala na siya, ay sinundan siya ng tingin ng grupo. Hindi yata ‘yun nagustuhan ng aktor, umiwas siya, halatang-halata ng tropa ng mga beki ang kangyang ginawa. Dahil hinamon sila ay hindi nagpatalo ang grupo, sinundan pa rin nila ang guwapong aktor, binuwisit talaga nila ang type pa naman sana nilang aktor na madalas na nagdadrama sa telebisyon at pelikula.
Kuwento ng aming source, “Bakit parang takot na takot siya sa bading? Meron ba siyang bad or sad experience sa mga beki, kaya ganu’n siya? “Hindi lang kasi sa tropa ng mga friends ko siya ganu’n, kahit sa ibang mga beking bumabati sa kanya, parang iwas na iwas siya. Bakit kaya, homophobic ba siya?” tanong ng aming impormante.
Nagkaroon ng karanasan sa isang beki ang nasabing aktor. Baguhan pa lang siya nu’n, isang beki ang tumulong sa kanya, hanggang sa naging magkarelasyon na sila. Isang source ang nagsabi, “Hindi siguro niya matanggap na nagkaroon na siya ng experience nu’n sa beki, kaya siya ganyan. Halatadong iwas na iwas siya, kapag binabati siya ng mga beki, parang gusto na niyang tumakbo!
“E, ano naman ang kinalaman ng mga tao sa naging karanasan niya, di ba? Ang dami-dami na niyang nakakarelasyong female personalities, ngayon pa ba naman siya matatakot sa nakaraan niya? “Bradly Guevarra, pakipangaralan mo nga ang male personality na ‘yun? Hindi type sa merkado ng mga beki ang tulad niyang parang takot na takot kapag nakakakita siya ng mga beks!” pagtatapos ng aming source.