Kalabaw nagwala sa isang piyesta sa Ozamiz City, pinatay ng mga pulis
NAGWALA ang isang kalabaw na bahagi ng mga aktibidad sa taunang piyesta sa Ozamiz City, kamakalawa.
Sinabi ng mga nakasaksi na bigla na lang nagwala ang kalabaw habang pinaparada sa palibot ng Birhen sa Cotta kung saan ginanap din ang final judging sa street dancing, na isa sa pinakatampok sa Subayen Keg Subanen Festival.
“Maybe it was feeling overwhelmed when it saw the place packed with people, with all the noise and colors that filled the venue,” sabi ni Gerry Lee Gorit, isang photojournalist na nag-cover ng pagdiriwang.
Batay sa kwento ni Gorit, nakasakay ang may-ari ng kalabaw nang mawalan ito ng kontrol sa hayop at hindi mapakalma sa pagwawala.
Makikita sa video footage na inaatake ng kalabaw ang mga tao, dahilan para magpulasan ang mga tao sa iba’t ibang direksyon.
Maririnig ang mga sigaw, “Oh my God” at “Pusila! Pusila!” (Barilin! Barilin!) naman ang utos ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na nasa entablado nang magwala ang kalabaw.
Bumagsak ang kalabaw matapos barilin ng limang beses ng mga pulis.
Napag-alaman na pinaghati-hati ang karne ng kalabaw at pinamigay sa mga kapitan ng barangay na naroon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.